Sumailalim na umano sa independent polygraph test o mas kilala bilang "lie detector test" ang isa sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dalagang si Jovelyn Galleno, na si Leobert Dasmariñas.

Ayon sa inilabas na mga larawan ng "Super Radyo DYSP 909Khz Palawan", makikitang inihanda ng National Bureau of Investigation (NBI) si Leobert para sa kaniyang lie detector test.

Matatandaang may rebelasyon si Leobert Dasmariñas na umano'y inalok siya ng pera ng isang pulis para lamang "makipagtulungan" siyang maresolba na ang kaso tungkol dito.

Inakusahan umano ni Leobert ang pulis na si Police Station 2 Commander P/MAJ Noel Manalo sa programang "Raffy Tulfo in Action" o RTIA.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nangako naman si Dasmariñas na handa umano siyang sumailalim sa lie detector test upang mapatunayan ang kaniyang sinasabi. Kapag napatunayan umano sa lie detector test na hindi nagsisinungaling ang suspek, ipagpapatuloy pa rin ni Senador Raffy Tulfo ang pagtulong dito.

Kung hindi naman nagtugma ang kaniyang mga sinasabi sa lie detector test, puputulin at ititigil na umano ni Tulfo ang pagtulong sa kaniya.

Matatandaang ilang beses nang nagbago-bago ang pahayag ni Dasmariñas tungkol sa kinasasangkutang krimen, kasama ang pinsang si Jovert Valdestamon.

Itinanggi naman ni Manalo ang paratang sa kaniya ni Dasmariñas.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/04/suspek-sa-pagpatay-kay-jovelyn-galleno-may-isiniwalat-binayaran-daw-ng-pulis/">https://balita.net.ph/2022/09/04/suspek-sa-pagpatay-kay-jovelyn-galleno-may-isiniwalat-binayaran-daw-ng-pulis/

Hinihintay naman ngayon ng publiko kung ano ang magiging resulta ng polygraph test kay Leobert.

Matatandaang noong Agosto, nabalita ang umano'y pagkawala ni Jovelyn at nadawit pa ang pinapasukan nitong mall, na naging dahilan upang manumbalik ang matagal nang pinabulaanang urban legend kaugnay rito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/14/nawawalang-si-jovelyn-galleno-di-pa-rin-mahagilap-urban-legend-muling-nauungkat/">https://balita.net.ph/2022/08/14/nawawalang-si-jovelyn-galleno-di-pa-rin-mahagilap-urban-legend-muling-nauungkat/

Ilang linggo, natagpuan ang mga salarin sa pagkamatay ni Jovelyn, at isa na rito ay kaniyang pinsang buo.

Ang ipinagtataka ng lahat, buto't kalansay na nang matagpuan ang bangkay ng dalaga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/23/jovelyn-galleno-ginahasa-pinatay-ng-pinsang-buo-bangkay-ng-dalaga-bungo-at-kalansay-na-nang-matagpuan/">https://balita.net.ph/2022/08/23/jovelyn-galleno-ginahasa-pinatay-ng-pinsang-buo-bangkay-ng-dalaga-bungo-at-kalansay-na-nang-matagpuan/

Ayon naman sa mga awtoridad, 99.99% ng mga natagpuang buto't kalansay ay kay Jovelyn.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/02/99-99-confirmed-ang-dna-kalansay-ng-bangkay-na-natagpuan-kumpirmadong-si-jovelyn-galleno/">https://balita.net.ph/2022/09/02/99-99-confirmed-ang-dna-kalansay-ng-bangkay-na-natagpuan-kumpirmadong-si-jovelyn-galleno/