Naabo ang bahay ng 10 pamilya nang masunog ang isang residential area sa Navotas City nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa bahay ni Antonio Amoscos.

Biglang umanong sumiklab ang bahagi ng garahe ni Amoscos at kaagad na gumapang ang apoy sa mga katabing bahay.

Sa pahayag naman ni Amoscos, ginising lang siya ng kapatid nito at ligtas silang nakalayo sa kanilang bahay.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Ayon kay Amoscos, ito na ang ikalawang.

Ito na aniya ang ikalawang insidente sa kanilang lugar at ang una ay naganap limang taon na ang nakararaan kung saan nasawi ang kanyang anak at isang pamangkin.

Aniya, faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Gayunman, inaalam pa rin ng mga awtoridad ang halaga ng naabong ari-arian at sanhi ng insidente.