Noong Setyembre 13, 2022 ay matagumpay na naisagawa ang soft opening/launching ng ALLTV, ang bagong TV network na umeere sa dating frequencies ng ABS-CBN, na pagmamay-ari ng dating senador at business tycoon na si Manny Villar.

Sa pangunguna nina Wowowin host Willie Revillame at Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ay tuluyan na ngang umere ang naturang network, at sinamahan sila nina Mariel Rodriguez, Ella Cruz, Ruffa Gutierrez, Randy Santiago, at Ciara Sotto.

Naging panauhin din nila ang VIVA artist na si Julia Barretto para sa promosyon ng pelikulang "Expensive Candy" na unang pagtatambal nila ni Carlo Aquino.

At isa sa mga pinag-usapan ay ang production number ni Toni kasama ang ilang babaeng back-up dancers. Toni G is really back na raw talaga matapos nga ang kontrobersyal niyang pagbibitiw sa reality show na "Pinoy Big Brother" o PBB ng Kapamilya Network.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"ALL OUT ang naging performance ng nag iisang Ultimate Multi-Media Star Toni Gonzaga sa ALLTV stage na napanood dito sa ALLTV," saad sa caption.

"Welcome our new channel Sama All TV more power po Kuya Wil and congrats kay Toni!"

"Look at Toni G now, bumabangon!"

"Galing talaga ni Toni sobrang hanga po talaga ako sa inyo galing mag-host da best!"

"Dua Lipa ng Batangas!"

"Tingnan n'yo ang taong na-cancelled… bumangon muli. Mas lalong pinag-usapan… congrats idol Toni G!"

"Mabuhay ka, Toni G! Congratulations!"

Kung marami ang pumuri kay Toni, inulan din ng okray ang kaniyang naging performance. Makikita ito sa comment section ng Facebook page ng ALLTV.

"Galing ng mga promo girls!"

"Akala ko promo ng Shopee!"

"It's giving Christmas party ng homeowners' association."

"Pababa at hindi pataas ang standards ng Pinas."

"Thank you for that lively performance, Group 1."

Ang iba naman, nilait ang stage design, production number, at maging ang kalidad ng audio at video.

"Hire someone po na magaling sa design. Bilyonaryo may-ari tapos pang elementary project yung design po."

"Bakit parang pang-mall show o mall tour?"

"Pinaglumaan ng GMA yang stage n'yo. Ganiyan yung stage ng GMA taong 78 to 80s pa. Sa mga dancers, taong 80's pa yung steps n'yo panahon pa ni German Moreno."

"POWTA YUNG STAGEEEE! It’s giving me company christmas partyyyy! 😂😂😂😂😂 kala ko ba dami anda nitong network na to ahahahaha!"

"Taena bakit ganiyan yung quality ng video/camera ng ALLTV? HAHAHAHA."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng ALLTV o maging si Toni Gonzaga tungkol dito.