Trending ngayon sa social media ang mga artwork ng isang artist mula sa Antipolo City dahil ang pangunahing gamit nito sa kanyang obra ay masking tape.

Ibinida ng 21-anyos na si Noel Abad Quidlat Jr. sa kanyang social media ang galing at husay nito sa sining sa pamamagitan ng papercutting, masking tape, o hindi naman kaya ay sariling thumbmark — na agad namang hinangaan ng netizens.

Mula sa masking tape at glass frame, nakalilikha si Noel ng obra partikular na ang mga portrait ng mga kilalang international artists.

Mabusisi rin niyang ginagawa ang iba't ibang obra na tulad na lamang ng kanyang Johnny Depp na ginawa niya nang halos tatlong araw.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi lang ordinaryong netizens ang nakakapansin sa kanyang sining dahil maging ang international artist tulad ni Tom Holland ay napahanga na rin sa kanyang obra.

Pagbabahagi ni Noel, 2019 noong nagsimula siyang gumawa ng mga simpleng sketches tulad ng mga pokemon bago niya subukan ang paggawa ng paper cut artworks.

Aniya, ipinagpapatuloy niyang gumawa ng mga obra dahil alam niya na bukod sa mahal niya ang kanyang ginagawa ay nararamdaman niya rin ang suporta ng mga taga-hanga niya.

"What motivates me the most is that my fans always there to support whether even I do 'not that good art'. And isa din 'to sa dahilan kung bakit nagkakapera siguro masasabi ko din na mabisang motivator 'yon," ani Noel.

Inspirasyon rin ang hatid niya para sa ibang nangangarap pa na maging mahusay na sining.

"To all the netizens who saw and support my art, there is none I can say aside from the word thank you. I will always do my best to entertain y'all and make your face 'wow'. And for the artists especially beginners, wala naman nagsimulang magaling agad, step by step DON'T GIVE UP," puno ng inspirasyong mensahe ni Noel.

Sa ngayon tumabo na ng 51.8M likes ang kanyang mga videos sa TikTok, na may 2.4M followers.