Sinugod ng mga militanteng grupo ang main office ng Meralco sa Ortigas Avenue, Pasig City upang iprotesta ang nakaambang pagtaas na naman ng singil sa kuryente ngayong Setyembre.

Paliwanag ng Power for Coalition, layunin ng kanilang protesta nitong Huwebes na kalampagin ang nasabing kumpanya na nauna nang tiniyak na magkakaroon ng paggalaw sa kanilang power rate ngayong buwan dahil umano sa pagtaas ng presyo ng panggatong na ginagamit nila sa paglikha ng elektrisidad.

Nais ng grupo na ibaba ng Meralco ang singil sa kuryente dahil lalo lamang umano mahihirapan ang mahihirap sa pagbabayad nito sa gitna ng nararanasang pandemya sa bansa.

Kamakailan, naghain ng petisyon sa Energy Regulatory Commission ang San Miguel Corporation (SMC) subsidiaries na South Premiere Power Corp. at San Miguel Energy Corporation na humihiling na itaas ang singil nila sa power supply agreement (PSA) sa Meralco upang makabawi sa nagagastos nila sa panggatong.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nauna nang isinapubliko ng Meralco na madadagdagan ngP78 ang bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh) kada buwan.

Ang mga kumokonsumo naman 300 kWh, 400 kWh at 500 kWh kada buwan ay madadagdagan ng P117, P156 at P195 ang kanilang bayarin, ayon na rin sa pagkakasunod-sunod.

Ang naturang hakbang ay ipatutupad ng Meralco ngayong buwan.