Kakaiba ang pakulo sa isang barangay sa Tanza, Cavite upang masugpo ang dengue outbreak doon: papalitan ng 1 kilong bigas ang 1 platong lamok na mahuhuli at maite-turn over sa mga opisyal ng barangay!

Iyan ang ibinahagi sa Facebook post ng isang nagngangalang "Jade Blancaflor", admin ng Borland Health Center sa Barangay Sanja.

"1 Platong Lamok= 1 Kilong Bigas…"

"Marami pong salamat sa mga nakiisa sa programa ng ating Brgy. sa pangunguna po ng ating Brgy. Captain Pedro Aricayos at sa Buong Sangguniang Barangay."

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

"Kapalit ng 1 platong lamok ay ang 1 kilong bigas."

"Makiisa, makibahagi upang masugpo ang sakit na dengue," ayon sa kaniyang caption.

Screengrab mula sa FB/Jade Blancaflor

Ayon sa ulat, wala naman umanong partikular na bilang ng lamok ang dapat mahuli, basta't makita lamang na "maraming lamok" na nakadikit sa plato.

Naglaan umano ang barangay ng 10 kabang bigas para sa programa na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.

Sa iba pang Facebook post ni Blancaflor ay makikita ang inisyatibo ng barangay at health center na magbahay-bahay upang masugpo ang lumalaganap na dengue.

"Muli po kaming nagsagawa ng 4'oclock habit, search and destroy sa tulong ng ating brgy. officials, nagmisting din po sa loob at labas ng bahay at sa kalakip na block ng mga nag positive sa dengue."

"Muli po kaming nakikiusap na makiisa po tayong lahat sa pagpuksa sa mga breeding sites ng mga lamok, especially sa mga halaman… salamat po.. God bless," aniya pa.