Matapos sumailalim sa polygraph test o mas kilala bilang "lie detector test" ang isa sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dalagang si Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas, dumating din umano ang isa pang salarin na si Jovert Valdestamon upang sumailalim sa naturang eksaminasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/15/suspek-sa-pagpaslang-kay-jovelyn-galleno-na-si-leobert-dasmarinas-sumailalim-sa-lie-detector-test/">https://balita.net.ph/2022/09/15/suspek-sa-pagpaslang-kay-jovelyn-galleno-na-si-leobert-dasmarinas-sumailalim-sa-lie-detector-test/

Ayon sa ulat ng Super Radyo DYSP 909Khz Palawan, binasahan muna ng kaniyang mga karapatan si Jovert bago sumalang sa lie detector test.

Dagdag pa sa ulat, naniniwala umano ang salarin na malalagpasan niya ang hamon ng lie detector test.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Samantala, may resulta na umano ang National Bureau of Investigation (NBI) sa resulta ng DNA test sa mga natagpuang ebidensyang iniuugnay kay Jovelyn.

Hinihintay lamang anila ang kumpas mula sa kanilang mga pinuno upang ilantad ito sa publiko. Mas mabuti umanong mga dalubhasa ang maglahad nito o kaya ang hepe ng Information Division ng NBI dahil sa mga teknikal na terminong kaugnay ng DNA test.

Matatandaang noong Agosto, nabalita ang umano'y pagkawala ni Jovelyn at nadawit pa ang pinapasukan nitong mall, na naging dahilan upang manumbalik ang matagal nang pinabulaanang urban legend kaugnay rito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/14/nawawalang-si-jovelyn-galleno-di-pa-rin-mahagilap-urban-legend-muling-nauungkat/">https://balita.net.ph/2022/08/14/nawawalang-si-jovelyn-galleno-di-pa-rin-mahagilap-urban-legend-muling-nauungkat/

Ilang linggo, natagpuan ang mga salarin sa pagkamatay ni Jovelyn, at isa na rito ay kaniyang pinsang buo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/23/jovelyn-galleno-ginahasa-pinatay-ng-pinsang-buo-bangkay-ng-dalaga-bungo-at-kalansay-na-nang-matagpuan/">https://balita.net.ph/2022/08/23/jovelyn-galleno-ginahasa-pinatay-ng-pinsang-buo-bangkay-ng-dalaga-bungo-at-kalansay-na-nang-matagpuan/

Ang ipinagtataka ng lahat, buto't kalansay na nang matagpuan ang bangkay ng dalaga.

Ayon naman sa mga awtoridad, 99.99% ng mga natagpuang buto't kalansay ay kay Jovelyn.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/02/99-99-confirmed-ang-dna-kalansay-ng-bangkay-na-natagpuan-kumpirmadong-si-jovelyn-galleno/">https://balita.net.ph/2022/09/02/99-99-confirmed-ang-dna-kalansay-ng-bangkay-na-natagpuan-kumpirmadong-si-jovelyn-galleno/