Dumating na sa bansa si Pinoy pole vaulter EJ Obiena nitong Huwebes ng umaga matapos ang matagumpay na European outdoor campaign nito kamakailan.

Si Obiena ay sinalubong ng kanyang mga magulang na sinaEmerson at Jeanette Obiena. Ipinakilala rin sa kanila ni Obiena ang kanyang kasintahan na si German track and field Caroline Joyeaux.

Nakatakda ring mag-courtesy call si Obiena kayPhilippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala.

Matatandaangnaipanaloni Obiena ang anim sa walong sinalihang laban sa outdoor season , kabilang na ang Brussels legu ng Diamond League nitong Setyembre 2.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Gumawa ng kasaysayan Si Obiena nitong Hulyo nang humablot ng bronze medal saWorld Athletics Championships sa Eugene, Oregon.

Huling nanalo ng gold medal si Obiena saGala dei Castelli sa Bellinzona, Switzerland nitong nakaraang Martes kaya naka-anim na ito ng gintong medalya, isang silver at isang bonze para sa kanyang 21-day outdoor season.

Tampok din sa outdoor season ni Obiena ang pagkapanalo nito kay world No. 1 pole vaulter Armand DuplantissaMemorial Van Damme ng Wanda Diamond League saBrussells, Belgiumkamakailan.

Huling umuwi sa bansa si Obiena noong Disyembre 2019 para sa 30th Southeast Asian Games kung saan naging madali lang sa kanya ang pagkapanalo ng gold medal sa New Clark City Athletics Stadium.

ReplyForward