Trending ngayon ang ikinasang pagsalakay ng mga awtoridad sa isang kabubukas na bilyaran sa Sto. Tomas, Batangas nitong Setyembre 13 matapos madiskubre na isa pala sa mga guest nito si Philippine billiards icon Efren 'Bata' Reyes.
Nilinaw ng pulisya, bukod sa nagpustahan ang mga nanonood, lumabag pa umano sa health protocol ang mga ito.
Sa isang video, makikita na katutumbok lang ni Reyes laban kay Charlie "Lapuk" nang biglang pumasok sa lugar ang mga nakasibilyang awtoridad at binalaan ang mga manonood na huwag tumakbo.
Sa kabila nito, nagtakbuhan pa rin ang ilang manonood habang ang iba sa kanila ay dinampot ng mga awtoridad.
Kitang-kita rin na nagulat si Reyes sa pangyayari at umupo na lang sa gilid habang kinakausap ng mga pulis.
“Yung laro pala na bilyar na ‘yon is nando’n pala si Efren ‘Bata’ Reyes at 'yung mga nanonood nanando’nna iba aynagpustahanna,” paliwanag namanni Sto.Tomas Municipal Police chief, Lt. Col. John Eric Antonio sa panayam sa telebisyon.
"So every set ng laro nila, nagkakaroon sila ng pustahan and eventually palaki nang palaki,” banggit ni San Antonio.
“Talagang form of illegal gambling din 'yan dahil once na pumusta ka don sa laro tulad ng bilyar in exchange of bet, form of illegal gambling 'yan,” sabi nito.
Inimbitahan si Reyes sa presinto at matapos ang imbestigasyon ay pinauwi rin ito.
Ipinaliwanag din ni Reyes na hindi niya alam na nagpupustahan na pala ang mga nanood.
Matatandaang mahigit 100 international titles ang napanalunan ni Reyes na kauna-unahang manlalaro na nakapag-uwi ng panalo sa WPA World Championships sa dalawang pool disciplines.