Tinapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang mungkahing badyet ng Office of the Ombudsman para sa 2023.
Sa pagdinig ng Kamara kung saan dumalo si Ombudsman Samuel Martires virtually, binawasan ng DBM ng 33.45 porsyento o P1.599 bilyon ang inirekomendang badyet ng anti-graft agency na ₱6.83 bilyon.
Ipinasya pa ring panatilihin ng DBM ang badyet ng Ombudsman para sa 2022 na naayon sa batas kung saan sinasabi na hindi babawasan ang inilaan sa ahensya na kasing-laki ng ibinigay sa nakaraang taon.
Si Assistant Ombudsman Weomark Ryan Layson ay personal na dumalo sa in-person briefing ng House Appropriations Committee.
Hindi na dumaan sa pag-usisa ang Ombudsman dahil iginagalang ng mga mambabatas ang pagiging fiscal autonomy ng ahensya.