Bahagi na ng Sparkle GMA Artist Center ang grand champion ng unang season ng Idol Philippines na si Zephanie Dimaranan.

Sa isang panayam kamakailan, natanong ang young Kapuso singer sa kaniyang saloobin sa muling pagbubukas ng Idol Philippines sa ABS-CBN.

“I am really happy na finally na nangyari na po ang season 2 kasi last time po talaga after ng season namin, they were already talking about it po,” pagbabahagi ni Zephanie sa isang media conference.

Advanced naman na binati ni Zeph ang magiging grand winner ng ikalawang season na aniya’y kagaya niya ay magkakaroon din ng exciting journey.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“‘Yung title na ‘Idol’ parang mabigat po siya e kasi hindi lang siya about sa singing mo. Hindi lang sa performing mo, kundi about you as a whole kaya medyo iba po yong pressure until now,” ani pa ni Zephanie.

“Alam ko na nandito pa rin po sa ‘kin na medyo part ng expectations ng tao but part na po yun,” dagdag ng young singer.

Kinikilala naman ni Zephanie ang malaking ginampanan ng Idol experience niya noong 2019 para sa tinatamasang karera ngayon.

“Masayang-masaya po ako na naging part yun ng life ko and yun po yung isa sa mga reason na nagde-describe kung sino po ako ngayon,” aniya.

“I am who I am today because of what I’ve experienced before.”

Samantala, naghahanda na si Zeph para sa kaniyang susunod na album sa ilalim ng GMA Music.

Bukas din ang young singer sa mga oportunidad sa labas ng kaniyang singing career kagaya ng pag-arte.

Bago maging grand winner ng Idol Philippines Season 1, naging suki ng mga singing competitions sa Kapamilya Network si Zeph.

Una siyang napanuod sa The Voice Kids Philippines noong 2015 at Tawag ng Tanghalan noong 2018.