Pinabulaanan ni Vice Presidential Spokesperson Atty. Reynold Munsayac ang umano'y fake news hinggil sa araw-araw na paggamit ng chopper ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Sa ambush interview nitong Miyerkules, Setyembre 14, sinabi ni Munsayac na fake news umano ang mga bali-balitang araw-araw na gumagamit ng chopper si Duterte para umuwi sa Davao.

“Fake news ho yan na araw-araw ginagamit yung chopper para umuwi sa Davao. Una ho, Manila-based na si VP at kaniyang pamilya. Dito na po nag-aaral ang kaniyang mga anak tapos land vehicles po yung ginagamit nila," saad niya.

"Tsaka ho lahat ng nakakakilala kay VP, yung history ng public service niya alam na napaka-efficient niya at palagi niyang poprotektahan yung government resources. Ginagamit lang po ang chopper kapag kailangan sa official work and functions, based sa lugar na pupuntahan at urgency of schedule." dagdag pa niya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi rin ng spokesperson na kung may makakadiskrubre raw na kayang lumipad ng chopper mula Maynila papuntang Davao, siya raw ay makikisakay.

"Ngayon kung meron na pong nakadiskubre ng chopper na kayang lumipad ng manila papuntang davao eh makikisakay po ako."

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa chopper nang batiin ni Duterte si Pangulong Bongbong Marcos sa kaarawan nito, Martes, Setyembre 13.

"Thank you, PBB, and your 250th PAW for ensuring that wherever I may be found in the country during the day, I am home in time to tuck my children to bed. Thank you for putting a premium on the desire of a working mother to be present in her children’s lives," saad ni Duterte sa kanyang Twitter.

"I wish God’s favor upon you as you celebrate your birthday and pray that you are given the strength and wisdom for the difficult road ahead. Happy Birthday! I wish you good health and happiness," aniya pa.

Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen.

"tapos kaming mga normal na Pilipino makikipagsiksikan sa tren para lang makapasok ng maaga sa trabaho. <3"

"Tax namin yan tapos pinang-hehelicopter mo lang para makauwi ka sa bahay mo? Saan delikadeza mo bilang public servant?"

"Wow! Ginawang everyday service and AF chopper. While 2.9 Filipinos are hungry, wala namang habas sa pag gasta ng taxpayer's money."

"Parang kayo lang masaya sa dami ng confidential funds nyo. 1.4M a day ang hindi mo kailangan ipaliwanag. Sana mabusog kayo."

"Saludo sa mga OFW na bumoto kay Sara dahil nagagawa nilang matiis na di makapiling ang mga anak para lang makauwi si Sara sa sarili nyang anak gabi-gabi. Salamat po sa sakripisyo nyo. Masayang masaya si Sara :)"

"Though I commend the gesture and understanding of a mother's daily ordeal and need to be with her children, I hope that it is not the Filipino taxpayers' money used for gas, and maintenance of that helicopter you ride daily."

"why are you thanking him? thank the taxpayers lol"

"sana ol hatid sundo everyday using the taxes of ordinary people who suffes daily inconveniences with their commute just to go home to their loved ones"

"Beyond disgusted. FYI, many Filipino working mothers spend hours on public transportation and endure horrible traffic only to come home to their families. And you call yourself a public servant? Labas mga BBM at DDS."

https://twitter.com/indaysara/status/1569488108143673346