Muli na namang nalagay sa "hot seat" ang segment na "Maritest" ng noontime show na "Tropang LOL" dahil sa isang tanong nito.

Ang tanong kasi ay tungkol sa isa sa mga kontrobersyal na isyu noon sa pagitan nina Ariel Rivera, Gelli De Belen, at Regine Velasquez-Alcasid.

"Naging mag-jowa sina Ariel Rivera at Gelli De Belen nung 90s---pero nag-break sila for a while dahil raw sa third party na…sino?"

Ang mga pamimilian ay sina A. Agot Isidro, B. Lea Salonga, C. Regine Velasquez, at D. Jean Garcia.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon sa ulat ng isang entertainment site, tila hindi naman nagustuhan ng mga netizen ang naturang tanong dahil bakit daw kailangan pang ungkatin ang nakaraan gayong nagkaayos na sila. Masyado raw itong insensitive, batay sa komento ng mga Twitter users.

"Ganito ka-problematic ang LOL. Taga-ingay at tagahukay ng issue. Kadiri itong show na 'to".

"ThisShowIsDisgusting! Bringing up sensitive issues and when it gets viral, they are the first ones claiming that they are the Victim. The host, the director, the scriptwriter and especially the show must be canceled!"

"Jusko bakit ayaw pa kasing shunggalin itong show na ito? Matagal na iyang issue na iyan at tinuldukan na iyan nina Ate Reg at Gelli."

Matatandaang pinag-usapan din ng mga netizen ang tungkol naman sa Super Junior na nakarating pa at naibalita sa SBS News.

Sa kabilang banda, may ilang mga netizen naman ang nagsabing batay sa pamagat pa lamang nito na hango sa "Marites" o makabagong tawag sa tsismosa, asahan na raw ang mga ganitong uri ng tanong dahil nga tungkol sa mga tsika ito.

May mga netizen naman ang nagmungkahing mas mainam pa ang quiz show o general information ang itanong kaysa sa mga ganito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/11/canceltropanglol-trending-dahil-sa-insensitive-na-tanong-tungkol-sa-isang-k-pop-group/">https://balita.net.ph/2022/08/11/canceltropanglol-trending-dahil-sa-insensitive-na-tanong-tungkol-sa-isang-k-pop-group/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/20/canceltropanglol-muling-nag-trending-dahil-sa-isyu-ng-pagiging-insensitive-naibalita-pa-sa-korea/">https://balita.net.ph/2022/08/20/canceltropanglol-muling-nag-trending-dahil-sa-isyu-ng-pagiging-insensitive-naibalita-pa-sa-korea/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan at host ng Tropang LOL, o maging sina Ariel Rivera, Gelli De Belen, at Regine Velasquez tungkol dito.