Usap-usapan ngayon ang viral video ng isang lalaking naispatang nambubulyaw at nang-aaway ng mga empleyado sa isang convenience store sa Chino Roces Avenue, Makati City matapos madikit sa wet paint ang kaniyang mamahaling damit.

Batay sa kumakalat na video, maririnig na inaawat siya ng ilang staff habang pinagmumura ng lalaki ang makaraang malagyan ng pintura ang kanyang damit.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

"Sorry? 3,500 'tong pantalon ko! 'Tong damit ko, put* ina, tatlong libo!" aniya. "Wala kayong signage diyan, warning! Bobo!"

Hindi nakuntento, itinulak pa niya at tila inambaang susuntukin ang isang staff na tinawanan daw siya nang madikit siya sa wet paint.

Makikitang dumating ang isang sekyu na ilang minuto munang nakamata sa mga nangyari. Maya-maya, umalis ito at pagdating ay may kasama nang lalaking nakasumbrero at jacket na siyang kumausap sa nag-aalburotong lalaki.

Sa comment section, mapapansing nagkomento rito ang TV host-trivia master ng GMA Network na si Kuya Kim Atienza.

"Who can identify this man? Any leads appreciated. Thank you," aniya.

Hindi naman matukoy ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki subalit nagpuyos ang damdamin ng mga netizen laban sa kaniya.