Tumaas na ang kaso ng human immunodeficiencyvirus (HIV) sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.
Sa pahayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa 1,346 ang naitalang nahawaan ng sakit nitong nakaraang Hulyo.
"Comparing that to the previous years of our monthly average, this is really high, higher than before," paglalahad ni Vergeire sa panayam sa telebisyon.Sa ngayon aniya, halos 150,000 na ang tinamaan ng HIV.
Noong 2017, nakapagtala ang DOH ng 72,000 HIV cases.
Sa report ng DOH mula 1984 hanggang 2006, natuklasang naihahawa ang sakit sa pamamagitan ng hindi maingat na pagkikipagtalik sa pagitan ng mga lalaki at mga babae.
"However, in 2007, the trend shifted, and more cases were detected among males who have sex with males (MSM). In 2020, 90 percent of new infections were among MSM," banggit ng DOH.
Sa datos naman ngHIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP), binanggit na umabot sa 4,574 ang namatay sa sakit mula 1984 hanggang 2020.
Dahil dito, nanawagan si Vergeire na dapat na samantalahin na ang librengHIV testing ng ahensya, bukod pa ang treatment and support programs nito.
"I would just like to tell everybody that if you have HIV, it is not a death sentence for you," anito.
Nilinaw ni Vergeire, naglalaan ang pamahalaan ng₱5 bilyon taun-taon para sa programa laban sa HIV at iba pang priority diseases.
"You can live a productive life. Hindi po kailangan katakutan, hindi po kailangang pandirian," pahayag pa ni Vergeire.