Inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Miyerkules na magiging operational na bago matapos ang taon, ang tatlong palapag na community hospital na itinatayo sa Baseco.

Ayon kay Lacuna, base sa ulat ni  City Engineer Armand Andres, ang konstruksiyon ng nasabing ospital ay nasa 88% nang kumpleto.

Nabatid pa na sa orihinal na plano, target ng pamahalaang lungsod na makumpleto ang mga kagamitan ng pagamutan pagsapit ng katapusan ng Setyembre.

Anang alkalde, may pagbabago lang na ginawa upang ang nasabing pagamutan ay makatanggap pa ng mas maraming pasyente dahil na rin sa malaking populasyon ng Baseco.

Tawi-Tawi, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

“May sarili nang mapupuntahang ospital ang mga taga-Baseco. By October or November, baka fully-operational na ang Baseco Community Hospital,” dagdag ni Lacuna.

Sa sandaling maging operational na, ang nasabing ospital ang siyang magiging pampito sa mga ospital na nasa direktang superbisyon ng pamahalaang lungsod ng Maynila.