Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga -- Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang400 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu mula sa dalawang foreigner ngayong Miyerkules, Setyembre 14.

Ayon kay Police Regional Office 3  Director PBGEN Cesar Pasiwen na pinangunahan ng PNP DEG kasama ang Pampanga Police Provincial Office and Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region ang anti-illegal drug operations sa Mexico Pampanga. 

Dahil dito, naaresto ang dalawang suspek na pawang foreigner na sina Wenjie Chen, alyas Harry, 55, mula sa Brgy. San Antonio, Gerona Tarlac; at Sy Yan Qing, 42, mula sa Sto. Domingo, Angeles City.

Nasamsam sa dalawa ang limang vacuum sealed plastic Chinese tea bag na may timbang na limang kilo na naglalaman ng crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na 34,000,000; gayundin ang 55 piraso ng vacuum sealed plastic chinese tea bag na may timbang naman na 55 kilos at may halagang 374,000,000; limang piraso ng one thousand peso bill na marked money; cellphone; at iba't ibang dokumento at ID. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid na ang dalawa ay nakalista sa ilalim ng Coplan Apocalypto na kilalang-kilala sa paglalako ng ilegal na droga sa mga lugar sa Metro Manila, Region 3, at Region 4A.