Kumpiyansa pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na matutupad nito ang ipinangakong ₱20 kada kilo ng bigas sa bansa.
Gayunman, aminado si Marcos na hindi agad-agad na maibigay ito ng administrasyon.
"There’s a way to do it but it will take a while. We have to return NFA (National Food Authority) to its old function,” anang Pangulo.“Pag mabuo natin 'yung value chain, we will make savings at every step…and then the world market will slowly be better, we might just make it to ₱20. But it’s a long road there. It’s not gonna be easy,” aniya.
Binanggit din ng punong ehekutibo ang kahalagahan ng ginagampanan ng agrikultura sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
“I don’t want the economy to recover to what it was in 2019. I want to transform the economy to be ready for the shocks, the difficulties that we will face from 2022,” banggit ni Marcos.
Sa panayam kamakailan, binanggit din ni Marcos ang planong pagbibigay ng rice allowance para sa mga kawani ng gobyerno upang mapagaan ang gastos ng mga ito araw-araw sa gitna ng ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
“I’m going to initiate, at least for the government workers, the rice allowance. Part of thesuweldo, ang pagbayadis in ricepara nakakatiyak tayoeverybody, every family will have rice,” anito.
Mas mura aniya ang bibilhing bigas para sa mga government employees kumpara sa ibinebenta sa merkado.
PNA