Tinatayang aabot na sa mahigit₱165 milyon ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 sa susunod na pagbola nito sa Miyerkules, Setyembre 14.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, walang nakahula sa six-digit combination na 23 - 45 - 36 - 28 - 17 – 18 kaya’t wala ring nagwagi sa₱157,728,028.80 na jackpot prize ng GrandLotto 6/55 na binola nitong Lunes ng gabi, Setyembre 12, kaya’t asahan nang tataas pa ang naturang premyo.

Mayroon namang 15 mapalad na mananaya ang nakapag-uwi ng tig-P100,000 na second prize para sa tiglimang tamang numero na nahulaan.

Samantala, wala rin namang nakahula sa six-digit winning combination ng MegaLotto 6/45 na 19 - 03 - 26 - 16 - 14 – 37 na binola rin ng Lunes, kaya’t hindi rin naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na₱35,459,700.80.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Nasa 33 mananaya naman ang nakapag-uwi ng tig-₱32,000 na second prize para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

Batay sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa₱38 milyon ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa susunod na bola nito sa Miyerkules, Setyembre 14.

Ang GrandLotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang MegaLotto 6/45 ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.