Matapos ang isang taong paghihintay, napanuod na ang Fox musical drama na “Monarch” nitong Lunes, ang kauna-unahang proyekto ni Iñigo Pascual sa Hollywood.

Kaya naman, all-out ang suporta ng pamilya ng aktor sa Amerika na nag-set-up pa ng viewing party para sa pilot episode ng serye.

“Ever since I was doing school plays and choir performances as a kid, my family was always the loudest, and proudest in the room. It felt so good watching with them last night in the house I grew up in. Love you guys with all my heart! Papiyo, I know you were celebrating with us last night,” mababasa sa IG post ni Iñigo kalakip ang mga larawan ng kaniyang todo-suportang pamilya sa premiere ng drama.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bibigyang buhay ng young actor ang karakter ni Ace Grayson, kinupkop at itinuring na apo ni Dottie Cantrell Roman na karakter ni Susan Sarandon.

Maliban sa premyadong Academy Award-winning actress na si Susan Sarandon, makakasama rin Kapamilya actor ang ilan pang kilalang personalidad sa Hollywood kabilang na si Albie Roman, Beth Dittio, Trade Adkins, at Anna Friel.

Basahin: Iñigo Pascual, sasabak sa Hollywood musical drama ‘Monarch’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I just wanna thank my whole team who encouraged me to go for it. Grateful for the people who’s always had faith in me when I barely did,” ani Iñigo nang magbalik-tanaw sa kaniyang audition noong Setyembre 2021.

Ilang mga malalapit na kaibigan sa showbiz dito sa Pinas ang nagpaabot ng pagbati sa aktor.

Mapapanuod ang “Monarch” sa Fox, bawat Martes sa Amerika.

Sa Pilipinas, available ito sa IWantTFC tuwing 9 a.m, Huwebes.

Nakilala ang young singer-actor sa hit mga hit songs na “Dahil Sa’yo,” at “Catching Feelings” at sa ilang mga proyektong pinagbidahan kabilang ang “Boyette” kasama si Zaijian Jaranilla at Maris Racal noong 2020.