Habang nagbabadya ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado, umaaray naman ang lokal na magsasaka sa tinaguriang "Rice Granary of the Philippines" sa napakababang presyo ng kanilang palay kumpara sa mataas na halaga ng gastos sa kanilang pagtatanim.

“Ang presyo na ngayon dito ay umaabot lang ng P16.20. Napakababa ‘to kumpara doon sa taas ng gastos na ginamit nila,” ani Cathy Estavillo ng Amihan - National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas sa sitwasyon ng mga magsasaka sa Nueva Ecija isang ulat ng GMA News nitong Lunes.

Aniya pa, pumapatak na lang sa P13 ang bentahan ng bagong aning palay sa kabila ng nagtataasang presyo ng pataba, abonoa at iba pang gastos sa pagtatanim.

“Panawagan nila ngayon talagang bilhin sa hindi bababa sa P20 per kilo ang kanilang palay. Wala dapat restriction katulad ng 100 percent at 14 percent dry dahil sa kawalan ng post-harvest facilities ay hindi kayang makamit ng ating magsasaka yong ganung kalidad,” dagdag ni Estavillo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Para naman sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mahal na umano ang hinihinging P20 kada kilong presyo ng bagong aning palay.

“Walang dryer kasi ang NFA, so bumibili ang NFA kapag dry na. Kaya hindi nila kayang bumili doon sa nire-request ng farmers na hindi na 14% moisture bilhin nila,” saad ni Rosendo So, Pangulo ng SINAG.

Nakikita namang pansamantalang solusyon ang P5,000 subsidiya ng gobyerno para maibsan ang sitwasyon ng mga mag-uuma sa ngayon, ayon pa rin sa ulat.

Pinag-aaralan pa rin umano ng Department of Agriculture (DAR) ang sitwasyon ng bigas sa bansa na mabibigyang linaw sa pagtatapos ng buwan.

Matatandaang ilang tone-toneladang puslit na bigas din ang napurnada noong nakaraang buwan.

Basahin: Iniimbestigahan na! ₱1B ‘smuggled’ na bigas, diniskarga sa 20 barko sa Iloilo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa prediksyon ng Federation Free Farmers Cooperatives, papatak ng P5 ang umento sa bigas sa Oktubre dahil sa pagsirit ng presyo ng abono ng palay mula P1,000 kada sako hanggang P3,000.

Basahin: Presyo ng bigas, posibleng taasan ng ₱5/kilo next month – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid