Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nag-anunsiyo na ang Maynila na siyang kabisera at pangunahing destinasyon sa bansa, ay magkakaroon ng walong tourism hubs.

Sinabi ni Lacuna nitong Martes na base sa plano na nakalakip sa first Manila Tourism and Cultural Development Plan (MTCDP) na iprinisinta ni Manila Tourism chief Charlie Dungo, ang mga nasabing tourism hubs ay kinabibilangan ng Tondo; Binondo, Escolta, at San Nicolas; Santa Cruz; Quiapo at San Miguel;Sampaloc atSanta Mesa;Intramuros at Port Area;Ermita, Malate at Paco;Pandacan at Santa Ana.

“May heritage, events, shopping at food trails na ating pangangalagaan at pagyayamanin para balik-balikan ng mga turista. May walong travel loops na idinisenyo base sa oras at interes ng bisita. Idinetalye sa plano kung papaano magiging innovative and world-class tourist destination ang ating lungsod, magmula sa paglilinis at pagpapaganda ng mga parks and plazas, shopping and dining areas; promotion ng mga museums, entertainment areas; pagsasaayos ng transportasyon at trapiko; hanggang sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa bawat tourism hub,” ayon pa sa alkalde.

Dagdag pa niya, magkakaroon ng kaukulang pagsasanay upang ma-level up o higit pang mapahusay ang serbisyo ng mga tourism-related establishments at cultural sites, gayundin ang mga tour guides.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“Kasama sa plano ang pagkakaroon ng training on food handling and packaging para sa mga food establishments tulad ng mga street food vendors… ang mga programa, proyekto at aktibidades na nasa plano ay para sa lahat ng sektor ng lipunan, maging iba man ang paniniwalang kultural, kasarian, pinag-aralan at uri ng kabuhayan, proteksyunan ang mga deklaradong cultural properties at saliksikin ang ibang mahalagang cultural properties para madeklara at maproteksyunan sa banta ng climate change at iba pang pagsubok para sa kapakinabangan ng henerasyong kasalukuyan at panghinaharap.  Nakasaad rin sa plano ang mga istratehiya, polisiya, time frame at budget sa bawat programa at proyekto,” anang lady mayor.

Binanggit din niya na malaki ang mga papel na gagampanan ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng mga departamento ng tourism, public works at environment, gayundin ang mgaprivate sector kabilang na ang mga tourism-related establishments, tour operators,hotels, barangay, civil society organizations, heritage advocacy groups, cultural at religious groups, academe, mass media at social media, upang magtagumpay ang planong inilatag ni Dungo.

Pinuri din ni Lacuna ang aktibong pakikilahok at malakas na suporta ngmga stakeholders kabilang na ang pamayanan sa panahon ng pagpaplano at hinikayat ang mga ito na manatili sa likod ng pamahalaang lungsod upang matiyak angtagumpay ng programa proyekto at bisyon.

“The(MTCDP), which was crafted with the local stakeholders, to revive, protect and promote Manila’s rich culture and heritage, is the first of its kind in Manila. The city is among the first, if not actually the first local government unit in the country to provide the said kind of details in the tourism and cultural development plan,” ayon naman kay Dungo.

“It was formulated to create inclusive and sustainable business and employment opportunities for Manileños and generate additional local revenues to fund meaningful development programs,” dagdag pa nito.

Aniya, itatampok ng MTCDP ang 'best of Manila' sa pamamagitan ngeight priority programs, eight trails, at eight loops sa loob ng eight tourism hubs; pinagsamang culture and heritage conservation nang may mga inobasyon satourism services tulad ng pagkakaroon ng tourist-oriented e-vehicles, digital tours and mobile and web-based applications para sa booking, navigation at iba pang serbisyo; mayroon din itong kongkretong istratehiya at mga hakbang upang makapagsimula ang lokal na industriya ng turismo matapos angCOVID-19 pandemic; magbibigay din ito ng rekomendasyon kung paano ang local tourism industry ay maging matatag sa mga kalamidad at health-related emergencies.