"Sa hirap at ginhawa, sabay makakamit ang diploma!"

Naantig ang damdamin ng mga netizen sa ibinahaging litrato ng photographer na si Aneza Cayme ng A.Cayme Photography matapos niyang itampok ang mag-asawang may mga anak na, subalit pinili pa ring magtapos ng elementarya sa ilalim ng Alternative Learning System program (ALS) ng Department of Education.

"Ang mag-asawang sina Edgardo Dela Torre at Rochelle Dela Torre, ng Brgy. Ablayan Dalaguete, Cebu ay sabay na nagtapos sa elementary sa ilalim ng Department of Education’s Alternative Learning System noong September 6, 2022," ayon sa caption.

“Silang dalawa ay may mataas na pananaw na makapagtapos ng pag-aaral upang mabigyan nila ng magandang buhay ang kanilang mga anak, gaano man kahirap ang maaari nilang madaraanan."

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

"Silang dalawa ay patunay na hindi sagabal ang pagkakaroon ng anak, at kahit may edad na, upang abutin ang mga pangarap sa buhay… binigyan nila ng malaking halaga ang edukasyon,” aniya pa.

Si Edgardo na 41 taong gulang ay gumagawa umano ng hollow blocks at isang barangay tanod. Si Rochelle naman na kaniyang maybahay ay 39 anyos.

Makikitang kasama nilang umakyat sa entablado ang kanilang mga anak.