PAMPANGA - Hindi bababa sa 35 gramo ng high-grade-type cannabis o marijuana mula sa US ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency -- Region lll mula sa isang babaeng claimant kasunod ng isang controlled delivery operation bandang alas-3:40 ng hapon, sa kahabaan ng Labahita St., Longos, Malabon City nitong Martes, Setyembre 13.

Kinilala ang nahuli na claimant na si Johann Claire Clarion, residente ng Blk 14-D Lot 8, Labahita St. Brgy. Longos, 1472 Malabon City.

Ibinunyag ng PDEA na dumating ang package mula sa USA noong Setyembre 5, 2022 sa Port of Clark at idineklara bilang "GOODIES".

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Larawan mula PDEA

"Ang package ay sumailalim sa X-ray inspection at K9 sniffing na humantong sa pagkakadiskubre ng walong (8) plastic screw cap bottles na naglalaman ng 35 gramo ng Kush (high grade cannabis) na nagkakahalaga ng Php 45,500.00.", anang Team Leader.

Ang controlled delivery operation ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Central Luzon, Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, at Bureau of Customs Port of Clark.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.