Isang lalaki na itinuturing na isang high value individual (HVI) ang inaresto ng mga alagad ng batas matapos na mahulihan ng₱10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation saBrgy. Sto. Niño, Marikina City nitong Lunes ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Habib Pangalain, 32, vendor, at itinuturing na isang HVI sa Unified Illegal Drug Watchlist ng Eastern Police District (EPD).

Batay sa ulat ng EPD, nabatid na dakong alas-10:45 ng gabi nang maaresto ang suspek sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Mc Donald’s Avenue, tabi ng Marikina Sports Complex, sa Brgy Sto. Niño, Marikina City.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t tinarget ito sa operasyon, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang aabot sa 1.5 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng₱10,200,000; buy-bust money, isang eco bag at isang kulay asul na Bajaj tricycle na may MV file number 1303-0897894.

Ang suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.