Binasag ni Tatay Pascasio M. Carcedo, 83-anyos mula Davao City, ang rekord ng isang Singaporean national bilang pinakamatandang climber na nakarating sa tuktok ng Mt. Apo.
Sa ulat ng Sta. Cruz Tourism nitong Lunes, Setyembre 12, pinarangalan si Tatay Cascio bilang pinakabagong Trailblazer awardee dahil sa kamangha-manghang achievement nito.
Noong Linggo, Setyembre 11, buong kumpiyansa na inakyat ni Tatay Casio ang matarik na Mt. Apo via Boulder Face Trail.
Katuwang ng 83-anyos ang tulong ng Sta Cruz Mount Apo Guides Association sa pangunguna nina Lito Palao at Armel Senedo.
Bago ang matagumpay na pagsuong ni Tatay Casio sa Mt. Apo, bilang preparasyon ay nauna munang inakyat nito ang tatlong mabababang kalapit ding bundok sa Sta. Cruz: ang Bamboo Peak, Mt. Loay, at Mt. Dinor.
Nitong Lunes, personal na tinanggap ni Tatay Casio ang pagkilala ng Sta. Cruz Tourism Office bilang pinakamatandang nakaakyat sa Apo.
Binasag ni Tatay Casio ang rekord ni Peter Chong, isang Singaporean national, na edad 80-anyos nang marating ang tuktok ng Apo noong 2020.