Ang mandatory use of face mask sa mga matao at kulob na mga lugar ay hindi pa binabawi, pagbabala ng isang public health expert nitong Lunes, Setyembre 12.
Kasunod ng pagpapalabas ng Malacañang ng Executive Order No. 3, na naglalagay ng greenlight sa mga boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga hindi mataong lugar sa labas, pinaalalahanan ni Philippine General Hospital (PGH) Emergency Medicine Chairman Dr. Teodoro “Ted” Herbosa ang publiko kailangan pa rin ang mga face mask sa masikip, indoor at enclosed na mga lugar.
Ang pagsusuot ng mask ay dapat ding patuloy na pairalin sa mga pampublikong transportasyon o outdoor setting kung saan hindi mapanatili ang pisikal na pagdistansya.
“Tandaan natin na hindi pa inaalis ‘yung mask mandate. Sa mga enclosed spaces at crowded [area] ay mandatory pa rin ang naka-mask,” ani Herbosa sa isang panayam sa DZBB, hapon ng Lunes.
Bagama't inalis na ang mandatoryong pagsusuot ng mask sa mga bukas, hindi matao, panlabas na mga lugar na may magandang bentilasyon, nananatili pa ring eksepsiyon ang mga indibidwal na hindi pa nakakakumpleto ng kanilang pagbabakuna, ang mga senior citizen, at mga immunocompromised.
“Sinabi doon sa Executive Order No. 3, kung ikaw ay hindi pa bakunado o hindi pa naka booster – mag mask ka. Kung ikaw ay may edad na o above 50 – mag mask ka. Kung ikaw ay immunocompromised – mag mask ka kasi pwede ka pa ring mahawa ng Covid,” dagdag niya.
Sa bagong ipinatupad na patakarang ito, sinabi ng eksperto na dapat maging mas maingat at mapagbantay ang publiko upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.
Gaya ng isiniwalat sa executive order, ilang mga kalapit na bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nagliberal na ng kanilang mask mandates nang hindi nakakakita ng pagtaas sa kanilang mga kaso ng Covid-19.
Sinabi ni Herbosa na umaasa siyang ganoon din ang mangyayari sa Pilipinas.
Charlie Mae F. Abarca