Naging matagumpay ang isinagawang paglulunsad ng librong naglalaman ng mga makabagong teknolohiya at organikong pamamaraan ng pagsasaka na magsisilbing sagot sa kagutuman sa bansa.

Ang launching ng libro na may titulong "Leave Nobody Hungry" ay sinulat o akda ng dating Reporter ng Manila Bulletin na si Virginia R. Rodriguez ay ginanap sa Manila Ballroom ng Manila Hotel nitong Lunes ng tanghali, Setyembre 12.

Nagbigay ng virtual message si Press Sec. Trixie Cruz Angeles sa pasinaya ng libro.

Umaasa si Sec. Angeles na makakatulong nang malaki sa milyun-milyong magsasaka sa bansa ang nilalaman ng libro para mapataas ang kanila ani.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Personal naman itong dinaluhan nina Atty. Alex Lopez,  Dr. Eliseo Ruiz, Chief and Executive Officer at  former Pres. ng CLSU; Asec. Antonio Molano, CouncilorJoey Amzola; Councilor Pablo Ocampo; P/Gen. Andre Dizon, hepe ng MPD at iba't-ibang LGU's, NGO's; mga negosyante; at mga estudyante.

Ayon sa may akda ng libro na si Rodriguez, nais niyang makatulong sa administrasyon ng Pangulong Bongbong Marcos, na siya ring tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture (DA) kaya niya naisipan isulat at gawin ang nasabing aklat.

Sinabi ni Rodriguez, ang ginawa niyang libro ay maaaring gawing gabay ng mga magsasaka sa bansa para mapataas ang kanilang kita sa pagsasaka.

"I would like to offer and to present this book to all the Filipino Farmers  so they can use my humble suggestions in expanding their knowledge in modern farming at affordable cause and for the students as their reference in their studies" ani Rodriguez.

Pahayag pa ni Rodriguez,  sagot sa "food crisis agenda" ni PBBM ang mga nilalaman ng kanyang librong ginawa, kabilang na rito ang "Masaganang 150" na isinusulong ng Pangulo.

Bukod sa "food security" ay nilalaman din ng libro ang paglikha ng maraming trabaho na nais mangyari ng gobyerno.