Inamin ng sikat na online personality/cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa vlog ni celebrity doctor Vicki Belo, na ayaw na niya sanang ipaalam sa publiko noon na hiwalay na sila ng ex-boyfriend na si vlogger Wil Dasovich; ngunit kinailangang magsalita na siya dahil marami na rin ang nangungulit sa kaniya, lalo na ang mga tagahanga at tagasubaybay nila.

Nahirapan umano siyang magtago ng katotohanan kaya naman minabuti na niyang magsalita tungkol dito noon. Ayaw niya kasi ng drama at ingay sa personal na buhay subalit dala nga ng pagiging public figure nila, naisiwalat na nga ang totoong estado ng kanilang relasyon.

“It was last year but the announcement came later kasi I wanted to keep it under wraps. I mean, as much as possible I don’t want any noise. I don’t want drama, to be honest," bahagi ng pahayag ni Alodia kay Dra. Belo.

Matatandaang pinag-usapan pa ng mga netizen ang tila parinigan nina Alodia at Wil na nag-ugat sa post ng cosplayer na "Ako nga pala yung sinayang mo…"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sumagot naman dito si Wil na "Ako nga pala yung sinaing mo…"

Sa ngayon, masaya na si Alodia sa kaniyang fiance na si Christopher Quimbo.

Si Wil naman ay nauugnay sa dating aktres na si Carla Humphrey.

&t=291s