Nakasungkit na naman ng gold medal si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa pagsabak nito sa Liechtenstein leg ng 2022 Golden Fly Series nitong Sunday (Lunes sa Pilipinas).

Nalampasan ni Obiena ang 5.71 meters kaya naungusan nito ang Amerikano na si Olen Tray Oates na nakapagtala ng 5.61 meters at Austrian Riccardo Klotz na nagtala ng 5.51 meters.

Ito ang huling tagumpay ni Obiena na nanalo na ng apat na beses sa sinalihang anim na events, kabilang na ang Brussels leg ng Diamond League.

Matatandaang bumagsak sa ikalawang puwesto si Obiena sa nakaraang ISTAF Berlin sa Germany nitong Setyembre 4 nang maitala lang nito ang 5.81 meters.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Noong Hulyo, nakagawa ng kasaysayan si Obiena matapos mag-uwi ng bronze medal sa World Athletics Championships sa Oregon matapos malundagan ang 5.94 meters.