Bentang-benta sa mga netizen ngayon ang mga "Legal Life Hack" na ibinabahagi sa social media ng dating senatorial candidate na si Atty. Chel Diokno.

Isa na rito ay ang karaniwang tanong na, kung puwede bang makasuhan ang isang taong may utang at hindi nagbabayad kahit makailang ulit nang sinisingil? Puwede pa bang habulin?

Isang netizen ang kumonsulta kay Atty. Chel kung saan may batchmate daw siyang hindi pa nagbabayad ng utang sa kaniya, at isang taon na ang nakalilipas.

"Kung di makukulong sa di pagbabayad ng utang, ibig sabihin ba wala nang habol?" panimula ni Atty. Chel.

"Aba, hindi! Nagpadala na ng demand letter, lumapit na sa barangay, at hindi pa rin nagbabayad yung umutang, puwede siyang kasuhan sa small claims court."

"Ang small claims court ay pinakasimple at pinakamabilis na paglilitis ng mga kasong sibil o civil cases, at, hindi na nito kailangan pa ng abogado!"

Ipinaliwanag at inisa-isa ni Atty. Chel kung ano-ano ang mga hakbang upang maisagawa ito.

"Laging tandaan: maging responsible sa mga obligasyong pinapasok!" paalala ng abogado sa dulo ng kaniyang TikTok video.

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1568943308097089536