Winasak ng mga awtoridad ang ₱3.4 milyong halaga ng tanim na marijuana sa walong lugar sa Ilocos Sur at Benguet, kamakailan.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 director Ronald Allan Ricardo, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA-La Union, PDEA-Ilocos Sur, Police Regional Office 1-Regional Drug Enforcement Unit (PROI-RDEU) at iba ang ahensya ng gobyerno, ang apat na taniman ng marijuana sa hangganan ng Sitio Addan/Nagawa, Barangay Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur nitong Setyembre 8.

Kinabukasan, nilusob naman ng mga ito ang dalawang taniman nito sa Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.

Dalawa pang marijuana plantations ang winasak ng mga awtoridad sa hangganan ng Mt. Balungabing, Brgy.  Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur, at Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nilinaw ni Ricardo na pagkatapos wasakin naturang halaga ng marijuana, kaagad ding sinunog ang mga ito.