Ilang araw matapos pumirma ng kontrata sa ALLTV, inilabas ng TV host at actress na si Toni Gonzaga ang teaser ng 'Toni Talks' special na kung saan makakapanayam niya si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa ikalawang pagkakataon.

Bukod sa YouTube channel ni Toni, ito rin ay mapapanood sa ALLTV ng AMBS 2. 

Matatandaan na nag-guest na si PBBM sa Toni Talks noong Setyembre 13, 2021 na kung saan hindi pa siya ang pangulo ng bansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/13/bongbong-marcos-im-really-tired-of-hearing-lies-that-have-already-been-disproven/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/09/13/bongbong-marcos-im-really-tired-of-hearing-lies-that-have-already-been-disproven/

Probinsya

30-anyos transwoman, pinatay ng nobyo

Mapapanood sa teaser ang pagpasok ni Toni sa loob ng Malacañang habang maririnig ang kanyang boses na ipinapakilala si PBBM noong panahon ng kampanya.

"Matapos ang tatlong dekada ng paghihintay. Magbabalik na si BBM sa kanyang tahanan. Ang pinaka pinag-uusapan, ang nangunguna, ang pilit na ibinabagsak ngunit lalong namamayagpag. Ang Tigre ng Norte, ang pangulo ng Pilipinas... Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.," saad ng aktres na tila ito na ang hudyat na nakabalik na si Marcos Jr. sa kanyang tahanan.

Bagama't walang sinabi kung kailan ito eere sa ALLTV, ito ay mukhang ipalalabas na sa Setyembre 13 dahil ito ang official launch ng bagong network at ito rin ang araw ng kapanganakan ng pangulo. 

Bukod dito, ibinahagi ni Willie Revillame na mapapanood din ang ‘Wowowin’ sa Setyembre 13 sa ALLTV. Tila tatapatan nito ang Eat Bulaga, It’s Showtime, at Lunch Out Loud.

“Starting September 13 alas-12 ng tanghali kasama n’yo na po ang hinihintay ninyong network, ito po ang network ng bawat Pilipino… ito ang ALLTV Network!” saad nito sa Facebook live ng Wowowin noong Lunes, Setyembre 5.

Samantala, excited na rin ang mga netizen na mapanood ang ‘Toni Talks’ special.

"OMG!! Ang fresh pa sa isip ko nung first interview mo sakanya Ate, literally from where all it started. So excited!!!"

"So proud of you Ms. Toni di ka rin po nagpatinag sa mga hindi comments sayo during the campaign"

"grabeeee Ang bongga naman ng teaser can't wait to watch it"

"His FIRST interview since BECOMING PRESIDENT! Let’s all watch this guys!!"

"Omg! Can't wait!! Super excited for this one!!! Another trending topic na nman toh haha!! Looking forward sa interview na to Ms.Toni. Godbless us everyone."

"Teaser palang nakaka excite ng panoorin yyeeyy panoorin ko talaga to. Solid BBM to ee"

"Parang kelan lang na na interview mo sya Mamshie Toni..ngayon President na sya ng ating Bansa"

"Thank you for the chance of giving us another episode to watch with our President BBM. Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino hindi sa mga banyaga o isip banyaga!"

"Can't wait to watch the whole of this!!! Hats off, miss Toni G."

"Lahat ng nainterview mo miss toni napanood ko na.eto talaga aabangan ko miss toni.I am so excited!"

"Goosebumps pa rin yung introduction mo kay BBM"

"feeling ko ipapalabas to sa birthday ni PBBM. Parang kelan lang nung 1st interview ni Toni ngayon sa malacanang na talaga. Nakakaiyak"

"Can't wait to watch the full episode..The unshakable and unstoppable Ms.Toni G"