Hindi pa rin makapaniwala ang TikTok content creator na si Ady Cotoco sa nangyaring pagnanakaw umano sa kaniyang bagahe nang umuwi siya sa Maynila galing Madrid, Spain noong Setyembre 8.

Unang ibinahagi ni Cotoco sa kaniyang TikTok video noong Huwebes ang pagkadismaya niya sa mga nangyari, dahil bukod sa nakita niyang sira na ang isa sa mga tatlong maletang dala niya ay nawala ang mga napamili niyang mamahaling sapatos, bag, pabango, at mga damit.

Ayon sa kaniya, umaabot sa ₱150,000 hanggang ₱180,000 ang halaga ng mga gamit na nawawala o nanakaw.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/09/mga-mamahaling-gamit-ng-isang-ng-tiktok-personality-ninakaw-umano-sa-kanyang-maleta/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/09/mga-mamahaling-gamit-ng-isang-ng-tiktok-personality-ninakaw-umano-sa-kanyang-maleta/

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bagama't hindi pa rin makapaniwala sa nangyari, inisip na lamang ni Cotoco ang mga bagay na natutuhan niya sa insidente.

"Pretty traumatized, I still can't believe that this happened to me, but at least I learned a lot of new things and now, I am more capable of being responsible to make sure me and my things are extra safe," saad ni Cotoco sa kaniyang eksklusibongpanayam sa Balita noong Sabado, Setyembre 10.

Matapos maghain ng complaint at police report, sinabi ni Cotoco na ang sagot lamang ng Etihad Airways ay ang pagpapagawa ng kaniyang nasirang maleta.

Kasalukuyan pa ring naghihintay ng tawag ang content creator hinggil sa imbestigasyon mula sa Madrid at Abu Dhabi dahil dito siya nagkaroon ng connecting flight patungong Maynila.

"They took the initiative to repair my Rimowa luggage, but that's it. I am still waiting for calls about the investigation in Abu Dhabi and Madrid. The investigation in the Philippines has been concluded with no faults from MIAA," ani Cotoco.

Matatandaang naglabas ng pahayag angManila International Airport Authority (MIAA) kaugnay sa insidente.

“An all-night investigation conducted by MIAA and Etihad through a review of various CCTV footages revealed that the luggage tampering could not have happened at NAIA Terminal 3 but at foreign airports where passenger made stop-overs enroute to Manila,” ayon sa MIAA.

“We expect Etihad Airways to extend immediate assistance to passenger while the investigation continues,” dagdag pa nito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/09/miaa-naglabas-ng-pahayag-hinggil-sa-umanoy-nanakawan-na-tiktok-personality/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/09/miaa-naglabas-ng-pahayag-hinggil-sa-umanoy-nanakawan-na-tiktok-personality/

Samantala, may mensahe rin ang TikTok personality sa publiko na mahilig din mag-travel.

"One thing I learned. You have to double, triple, quadruple lock your WHOLE luggage. Wrap it 2x if you can and secure your zippers and locks," aniya.