Nagdulot ng katuwaan sa mga netizen ang ipinagawang tarpaulin ng netizen na si Arvin Macalalad Buceta matapos nitong pagawan ng tarpaulin ang PSA birth certificate ng kaniyang kapatid na si Adrian, na laging natutuksong "over-aged" kapag nasasama sa paliga ng barangay para sa basketball.

"PSA REVEAL ???? EBIDENSYA ??,” caption ni Arvin sa kaniyang Facebook post.

Larawan mula sa FB/Arvin Macalalad Buceta

Nagulat naman ang mga tao nang makita ang kaniyang tarp kaya pinicturan at vinideohan nila ito.

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

Nang may sumigaw raw na over-aged na ang kapatid niya, hindi nagdalawang-isip si Arvin na ilabas ang tarpaulin. Na-appreciate naman ni Adrian ang ginawa ng kaniyang kuya.