Magsasagawa ng nationwide feeding program ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Setyembre 13 upang pagdiriwang ang ika-65 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..
Sa pahayag ng PCSO nitong Linggo, katuwang nila sa programa ang Accredited Agent Corporations (AAC) o mga operator ng Small Town Lottery (STL) sa bansa.
Tampok sa programang may temang "Handog ng PCSO: Isang araw na salu-salo sa kaarawan ng Pangulo" ang pamimigay ng mga sandwich at inumin.
Itinaon din sa kaarawan ni Marcos ang pagre-remit ng PCSO ng ₱2.5 bilyon sa Bureau of Treasury bilang karagdagang pondo para sa Universal Health Care Program (UHCP) ng pamahalaan.
PNA