Kinasuhan umano ng Special Action Force o SAF ang ilang mga aktor ng pelikulang "'Mamasapano: Now It Can Be Told" ang ilan sa cast members nitong sina Paolo Gumabao, Rico Barrera, at iba pang mga may kinalaman sa produksyon nito, dahil umano sa "illegal use of uniform and insignia."

Iyan ang pagbubunyag ng abogadong si Atty. Ferdinand Topacio na siyang producer ng naturang pelikula, na hango sa tunay na mga pangyayari. Nagulat umano si Topacio sa aksiyong ito dahil ang layunin naman daw ng pelikula ay itampok ang kabayanihan ng SAF noong 2015, sa madugong nangyari sa kanila sa Mamasapano, Maguindanao.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi malaman ni Topacio kung bakit pa sila kinasuhan gayong may basbas naman umano ito ng hepe na si General Armando Clifton Empiso.

Nagtungo pa umano sa piskalya ang mga nasangkot na artista na malaking abala para sa kanila.

Ani Topacio, personal sa kaniya ang pelikula dahil kung babalikan, siya umano ang abogado ng mga magulang ng SAF 44, sa pagtatapos ng termino ng yumao at dating Pangulong Noynoy Aquino.

Samantala, wala pang pahayag ang SAF tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita Online para sa kanilang panig.