Binatikos ng maraming netizens ang paggamit sa verified social media account ng Embahada ng Pilipinas sa Espanya sa pag-promote nito ng kontrobersyal na “Maid in Malacañang” sa social media.

Kalakhan na sentimiyento nila -- ang tanggapan ng gobyerno sa banyagang bansa ay ‘di dapat nakikisangkot sa pribadong interes ng naturang pelikula.

Unang lumabas ang materyal sa Spain noon Sabado, Setyembre 10, ayon sa embahada.

Nakadetalye rin sa tila promotional post ang magbubukas na mga ticket outlet para sa pagbubukas ng pelikula sa Madrid.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpupuyos naman na netizens ang ‘di nagpigil na kondenahin ang anila’y paggamit ng buwis ng publiko para sa naturang promotion ng pelikula.

“Sadly many PH embassies just love to dance with dictators,” komento ng isang netizens.

“Do you do this to all Filipino movies, Philippine Embassy in Spain?” tanong ng nagtatakang netizen sa aniya’y official endorsement ng embahada sa palabas.

“May I respectfully ask why the embassy is promoting this movie?” segundang tanong ng isa pang netizen.

“So sumusuporta na pala ang Philippine Embassy in Spain sa mga kasinungalingan at pagbabago ng history?”

“With the go-ahead from the DFA Sec, the Phl ambassador to Spain has millions of reasons to support and promote the greatest lie in the Maid in Malacanang movie!”

“No wonder umabot ng 600 million - pati government offices ginamit ng movie na to. Can't believe people's taxes are used this way,” maanghang na paratang ng isa pang kritiko ng naturang post.

Basahin: Maid in Malacañang, pangatlong highest-grossing Filipino movie of all time; kabugin kaya ang HLG? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Seriously?! Tagabenta na ng tickets? Galing ng embassy ng spain...baka naman may charity na magbebenefit kaya todo benta!”

“Tax na binabayad natin para sa propaganda ng di nagbabayad na nga ng tax, magnanakaw at mamamatay tao pa!”

“Philippine Embassy in Spain, Kailan niyo pa naging trabaho ang mag promote at mag pakalat ng historical distortion gamit ang pera ng taong bayan?”

“Excuse me? Hindi kayo nandyan para maging platform sa pagkakalat ng disinfirormation. Mahiya naman kayo.”

“Bakit kaya inaadvertise to sa Official Page na dapat sana for useful information and projects of the Embassy?”

“Nakakahiya kayo!”

Ilan tagasuporta ng pamilya Marcos ang dumipensa naman sa mga pambabatikos ng nasabing post.

Walang naging kasunod na pahayag ang embahada kaugnay sa naging reaksyon ng maraming netizens.