Buong pagmamalaking ibinida ni Coleen Garcia ang kaniyang mister na si Billy Crawford, na ngayon ay iwinawagayway ang buong Pilipinas bilang celebrity contestant sa "Danse Avec Les Stars" (Dance With The Stars), sa pilot episode nito nitong Sabado, Setyembre 10 (Setyembre 9 sa bansang France) kasama ang celebrity partner na si Fauve Hautot, na isang French dancer at actress.

Napaiyak at napaupo sa entablado si Billy nang magtayuan ang mga hurado at bigyan sila ni Fauve ng apat na buzz, nangangahulugang pasok na sila sa susunod na round at magpapatuloy pa rin.

Maganda rin ang pagtanggap ng audience sa kaniya at talagang Bravo! ang isinisigaw para sa kanila ni Fauve. Ayon sa mga artikulo/balitang lumabas na French-based, si Billy ang paborito ng madlang pipol dahil sa ipinakitang performance sa pagsayaw ng chacha na galawang Harry Styles.

Ibinahagi naman ni Coleen ang video clip ng performance at reaksiyon ni Billy sa kaniyang Instagram post, Setyembre 10.

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

"SO PROUD!!!! Congratulations @billycrawford & @fauvehautot! You guys were amazing!" caption ni Coleen.

Bumaha naman ng pagbati sa comment section mula sa mga sikat na celebrity gaya nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Queen of Soul Jaya, Alex Diaz, TV5 news anchor Christine Bersola-Babao, Melai Cantiveros, Derek Ramsay, Bea Alonzo, Teresa Loyzaga, Chynna Ortaleza, Iya Villania, Eruption, Lani Misalucha, at Kuya Kim Atienza.

At syempre, hindi rin nagpahuli ang kaniyang mga co-host sa "Tropang LOL" na sina Alex Gonzaga at KC Montero.

Nagpasalamat naman si Billy sa kaniyang misis na si Coleen.

"Awwwww thanks my love!" tugon ni Billy.

Congrats, Billy!