Pinatunayan ng isang artist/painter na si Francis A. Diaz, 24, mula sa Gandara, Samar na maaari pa ring magamit at maging kaaya-aya ang mga patapong bagay, gaya na lamang ng mga bubog.

Kung dati ay ginawan niya ang art illusion ang painting na si Mona Lisa, ngayon naman ay may bubog artwork siya tampok ang bagong Darna na si Jane De Leon.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/09/artist-mula-sa-samar-gumawa-ng-mona-lisa-art-illusion-gamit-ang-mga-basura/">https://balita.net.ph/2021/11/09/artist-mula-sa-samar-gumawa-ng-mona-lisa-art-illusion-gamit-ang-mga-basura/

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita Online kay Francis, anim na oras umano ang iginugol niya upang matapos ang kaniyang kakaibang likhang-sining.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ang mga kagamitang nakatulong sa kaniya upang maisakatuparan ito, bukod sa bubog, ay illustration board, plywood, stick glue, at glue gun.

"Ang aking ginawang obra ay Isang halimbawa na si Darna na gumagawa at nagpapakita ng kabutihan sa kapwa ay tulad rin ng ginawa ko na obra na imbes na itapon ang mga patapong bagay na makakasira sa kalikasan, tulad ng bote ay maaari pa nating gawan ng paraan para makatulong sa kalikasan," paliwanag ni Francis.

Hangad ni Francis na makarating sa kaalaman ni Jane De Leon ang naturang artwork.

Hindi ito ang unang beses na napansin ang artwork ni Francis. Ginawan na rin niya ng bubog artwork ang mga sikat na personalidad gaya nina dating Senador Manny Pacquiao, Hidlyn Diaz, mga atleta sa Olympics, at iba pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/22/bubog-art-tribute-inialay-ng-artist-para-kay-manny-pacquaio/">https://balita.net.ph/2021/08/22/bubog-art-tribute-inialay-ng-artist-para-kay-manny-pacquaio/

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/01/bubog-art-tribute-para-kay-hidilyn-ibinida-ng-artist-mula-samar/">https://balita.net.ph/2021/08/01/bubog-art-tribute-para-kay-hidilyn-ibinida-ng-artist-mula-samar/

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/04/broken-glass-art-tribute-inalay-ng-artist-para-sa-mga-atletang-pilipino-ng-tokyo-olympics-2020/">https://balita.net.ph/2021/08/04/broken-glass-art-tribute-inalay-ng-artist-para-sa-mga-atletang-pilipino-ng-tokyo-olympics-2020/