Nakukulangan si Senadora Grace Poe sa mga hakbang at solusyon ng "National Telecommunications Commission" o NTC kaugnay ng naglipanang spam text, scam, at phishing sa pamamagitan ng mga mobile numbers ng mga cellphone users.

Nagsagawa ng pagdinig ang senate committee on public services kasama ang committee on trade, commerce and entrepreneurship noong Huwebes, Setyembre 8.

“What are you doing, don’t you have complaint hotlines? Have you caught anyone?” tanong ni Poe.

Tumugon naman dito si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba. Aniya, nakalagay umano sa kanilang website ang hotlines na puwedeng pagsumbungan ng mga tao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tila hindi naman ito bumenta kay Poe, dahil kung sila mismo ay hindi raw kabisado ang kanilang hotlines, paano pa kaya ang publiko?

“You don’t memorize your hotline? If you don’t know your hotline number, do you think we can? I’m very disappointed. If you were really serious about this issue, this would be at the top of your head and you would really tell the public that this is the number that you can call and text,” aniya ni Poe.

At tila lalo pang "nabanas" ang senadora ng aminin ni Cordoba na nasa 800 spam messages lamang ang kanilang na-block simula noong Enero 2022.

“How many cellphones are there, around 100 million and you blocked only 800. This is so tragic… issue order (of blocking) more frequently. Work harder to warn subscribers,” pahayag pa ni Poe.

Hindi lamang mga karaniwang mamamayan ang naaalarma pagdating sa spam text kundi maging mga sikat na celebrity, gaya ni Angelica Panganiban.

Nawindang siya kamakailan dahil alam na raw ng nagpadala sa kaniya ng spam text ang kaniyang pangalan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/30/angelica-panganiban-ibinahagi-ang-natanggap-na-spam-text-first-name-basis-na-yung-scammer/">https://balita.net.ph/2022/08/30/angelica-panganiban-ibinahagi-ang-natanggap-na-spam-text-first-name-basis-na-yung-scammer/

Hinala naman ng mga tao, baka ginagamit ng mga sindikatong nasa likod nito ang "GCash" upang malaman ang mga pangalan ng mga nagmamay-ari ng numero.

Kaya naman, kamakailan lamang ay naglagay ng asterisk ang GCash sa detalye ng mga pangalan upang maiwasan na ito.