Naging pulutan muli ng programa ni Cristy Fermin ang mga intriga sa likod ng patuloy na paglaban ni Kris Aquino sa kaniyang apat na autoimmune disease dahilan para rumesbak na ang ilang netizens para sa nakaratay na showbiz personality.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na!” sa YouTube, muling napag-usapan nina Cristy, Rommel at Morly ang kalagayan ni Kris.

Nausisa ng programa ang mga intriga sa umano’y pagdududa ng mga tao sa totoong kalagayan daw ng aktres.

Anila, may mga lumilitaw ding item ukol sa umano’y pagpapapansin lang ng aktres sa kabila ng mga update nito sa kaniyang pagpapagaling sa Amerika.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag nilang tanong, kung totong may sakit si Kris, bakit anila'y naglalabasan pa rin ang isyu kaugnay sa kaniya, habang tila nakalimutan ng tatlo na isang malaking personalidad si Kris sa parehong mundo ng showbiz at politika sa bansa.

“Nakita naman po natin ang pruweba na talagang bumagsak po ang kaniyang timbang. Meron nga po siyang larawan na halos talagang parang hindi na siya. Talagang yayat na yayat ang kaniyang mukha, kita na po halos ang buto, alam po namin at alam nating lahat na hindi po ‘yan si Kris Aquino,” ani Cristy sa isang bahagi ng programa.

Napag-usapan din ng mga host ang walang pakeng paglantad ni Kris sa ilang pagbabago ng kaniyang katawan na kung ibang artista’y mas pipiliin pang itago, anila.

“‘Yun ang nakakatakot. Oras na ang publiko ang kumuwestyon at biglang bumibitiw na sa kung ano ang nagaganap,” dagdag ni Cristy sa mga pagdududa sa kalagayan ng aktres.

Nabalikan din ng programa ang 2003 interview ni Kris sa kaniyang tell-all na pagsisiwalat sa pagkakahawa ng sexually transmitted disease (STD).

Ani Morley, isang kilalang katangian ni Kris ito na matapang na humaharap sa mga kontrobersiya.

“Pero sana ‘wag nang palalain ang mga sakit na hindi naman malalang sakit. Para yung mga nagmamahal sa’yo, Ms. Kris Aquino. Hindi naman kami nababagabag dito at nag-aalay kami ng panalangin para sa iyon kagalingan ‘di ba,” hirit naman ni Rommel sa pagpapatuloy ng kanilang chikahan.

Gayunpaman, hiling daw ng trio ang agad na paggaling ng showbiz icon at sana nga, anila, na drama lang ang lahat para sa ikabubuti ni Kris.

Ayon naman sa isang source pa ni Morley, bagaman umaayos na raw ang kalagayan ni Kris ay wala pa rin daw improvement sa pangangayayat nito.

Sa huli, para umanong tumutuloy ng alambre ang aktres dahil piliin man nitong magsalita o manahimik ay susundan pa rin umano ito ng mga intriga.

“Nakakaawa rin. Gumitna, lalo siyang masasagasaan,” ani Cristy.

Tila hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang muling pagpili sa aktres bilang usapin sa programa.

&t=417s

Ilan pang may parehong autoimmune disease ang umalma sa mga pahayag ng pagpapanggap umano ng aktres.

“THERE IS NO CURE at iba-iba ang symptoms ng autoimmune disease. May time na okay ang pakiramdam mo, may time rin na nagfi flare up or may exacerbation. Iba iba rin ang treatments at mahal. Maraming doctors ang nag diagnose based on different tests kay Kris so hindi fake ang mga sakit nya. I'm not a fan, just stating facts about autoimmune diseases dahil meron din ako. Kung ngayon okay ang pakiramdam mo, bukas baka hindi.

“Pasalamat na lang kayo na hindi kayo ang na diagnose ng autoimmune disease. Kung ipinagdarasal nyo talaga, huwag nyo nang i announce dahil nagtutunog fake ang mga dasal nyo kung ipinangangalandakan nyo. Be thankful na na survive mo ang COVID, Romel, walang rabies ang kumagat na aso sa 'yo Morley at walang complications ang surgery mo, Cristy at hindi ka natulad kay Joan Rivers na namatay sa isang minor procedure. Life is fleeting. Hinay hinay lang po kayo,” mahabang komento ng isang netizen sa YouTube vlog.

“I watch your show everyday, pero nkka umay na ang topic is about KRIS AQUINO . LEAVE HER ALONE!! Panay ang sabi nyo na let’s pray for Kris. But being part of your content and attacking her ay hindi na tama. LEAVE HER ALONE!!! Marami kayong pwedeng maging content. Nanahimik na nga sila dba? Mag isip nlang kayo ng iba na content. You know better than that!!” segunda pa ng isang subscriber.

“Sana hayaan nyo nlng po c kris. Halata nman sa hitsura nya na may sakit sya. Wag na po sana banatan. Pinagkakitaan nyo na nga. Sinisiraan nyo pa! Pasalamat nlng po sana tayo na Hindi tayo ang nasa kanyang kalagayan. Hayaan nyo nlng po sana yung tao kc lumalaban sya pra sa buhay nya at sa future ng kanyang mga anak. Hindi na po nkakatuwa. Sisiraan muna bago ipagdasal.”

“I have an allergy since I was in my younger days. Allergy is a Chronic disease, there is no permanent cure. I am 80 yrs old now and until now I have.I have my complete insurance here in America... but I don't stay in the hospital because of my sick. I am praying for Kris for the sake of her 2 sons. Her 2 sons still need a parent.. and they are good boys..... Medical expense is very expensive here in America. but Kris is rich anyway. Let us be nice to her..She is still young and she is maybe longing for someone to care for and love her... Let us just embrace her weaknesses as a good friend and as a mother.”

“Like Kris, I have 4 autoimmune diseases, lupus being diagnosed first in 2008. I have the best medical care here in Los Angeles and has been a paraplegic since 2013. So sick yet I still manage a thriving business in Los Angeles. Only because I'm this sick doesn't mean I couldn't do substantial things anymore. Here in the USA, you could do anything no matter how sick. Your subliminal message questioning Kris' true health condition is plain evil and malicious!”

“Spare Kris please. Let's be nice to her. Bulag lang ang magsasabing nagpapanggap lang siya. Let's just pray for her, kasi ginagawa nila lahat at gumagastos ng milyon para lang gumaling siya. Kris is Kris, very positive person. Very transparent. May karapatan siyang gumaling. Kapag ba gumagaling siya, nagpapanggap lang siya?! Sana hindi nyo maranasan ang klase ng sakit at hirap na dinaranas niya ngayon. Ayaw nyo naman cguro masabihan n nagpapanggap kayo kapag kayo naman ang nagkasakit ng malala.”

“Totoong maysakit po si kris at hndi sya nag iinarte lng at lalong hndi KSP. Mahirap ang sakit na auto immune, ngayon ok ka bukas hndi mo alam. Marcos Loyalist po ako pero gustong gusto ko si Kris because of her personality na nilalabas nya lahat kng sino sya hndi sya plastic, kng ibang artista pa na merong ganyang sakit itatago nya yun at hndi na magpapakuha ng picture na pangit ang mukha dahil sa sobrang payat pero si kris ginawa pa dn nya pra maibahagi ang update ng kanyang kalagayan sa kanyang mga fans hndi sya katulad ng ibang artista na pag maysakit inililihim sa mga fans at mababalitaan mo na lng patay na. Ipagdasal na lng po natin si kris na gumaling at wag ng intrigahin. God bless everyone!”

Noong Miyerkules, kinumpirma ni Kris ang apat na autoimmune disease na patuloy niyang nilalabanan.

Basahin: Kris, posibleng ma-diagnose ng ika-5 autoimmune condition, kebs nang makalbo para sa mga anak – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid