Pinaplano na ng Philippine Basketball Association (PBA) na gamitin ang PhilSports Arena sa Pasig City na isa sa venue ng liga ilang dekada na ang nakararaan.

Sinabi ni PBACommissioner Willie Marcial, isasama nila ito sa regular rotation ng venue para sa nalalapit na Commissioner's Cup sa Setyembre 21.

Inamin ni Marcial na nakipagpulong na siya sa dating PBA commissioner at ngayo'y chairman ngPhilippine Sports Commission (PSC) na si Noli Eala para paggamit ng liga sa naturang pasilidad ng gobyerno.

"Nag-meeting kami with chairman Noli Eala regarding sa paglalaro ng PBA sa PhilSports Arena. Pinag-usapan namin kung ano 'yung deal, and nagkasundo naman kami doon sa napag-usapan namin," ani Marcial sa isang panayam nitong Sabado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa nakaraang Philippine Cup, tatlong lugar lang ang ginamit ng liga--ang Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena atFilOil EcoOilArena sa San Juan City.

"Yung ibang venue kasi hindi available for certain days this conference kaya tiningnan na rin namin 'yung Philsports Arena. At malamang, isasama na natin sa rotation din sa regular nating laro 'yung PhilSports," paliwanag pa Marcial sa isang panayam.