Parehong nominado sa 45th Gawad Urian ang "friends" na sina Paolo Contis at Yen Santos, na nagtambal sa pelikulang "A Faraway Land" na nakatanggap ng mga papuri mula sa mga netizen nang mapanood ito sa Netflix.

Ngunit sinasabing ito rin daw ang naging dahilan kung bakit nagkalapit ang dalawa sa isa't isa at naging espesyal na magkaibigan, ayon sa mga tsika.

Ayon sa ulat ng isang entertainment site, nagulat daw si Paolo nang makita niya ang listahan ng mga makakatunggali niya sa kategoryang "Best Actor".

Kasama niya sa listahan ng mga nominado sina John Arcilla ng "On the Job: The Missing 8,", Christian Bables ng "Big Night", John Lloyd Cruz ng "Ang History ni Ha," Dingdong Dantes ng "A Hard Day," Francis Magundayao ng "Tenement 66," at Shogen ng "Gensan Punch".

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

isang karangalan umano kay Paolo na mapansin ng mga manunuring bumubuo sa Urian, kaya kahit mga bigatin ang mga kapwa niya nominado, tanggap niya kung anuman ang magiging resulta.

Makakalaban naman ni Yen sa kategoryang Best Actress sina Donna Cariaga ng pelikulang "Rabid", Elora Españo ng "Love and Pain in Between Refrains", Kim Molina ng "Ikaw at Ako at ang Ending", at dating ABS-CBN executive Charo Santos-Concio ng "Kun Maupay Man It Panahon".

Hindi na umano sumagot si Paolo kung magkasama ba sila ni Yen na pupunta sa magiging gabi ng parangal, na magiging face-to-face na, bagama't wala pang definite date kung kailan. Nakadepende raw kasi ito sa availability ng UP Theatre.