Sa hindi malinaw na dahilan ay kinansela ng pamunuan ng Miss Universe ang kompetisyon para sa naturang prestihiyosong beauty pageant ngayong 2022, kaya extended ang reigning moment ni Miss Universe India Harnaaz Sandhu, na siyang kinoronahan noong 2021.

"We are going to hold the Miss Universe event in the first quarter of 2023, we will announce it soon," ayon umano sa ipinalabas na memo na ipinadala sa national directors ng mga bansang kalahok dito.

Kaya naman, kalmado lamang ang kinatawan ng Miss Universe Philippines na si Celeste Cortesi, at tiyak na sasamantalahin ang antalang ito upang makapag-ensayo at maibalik na sa Pilipinas ang korona.

Ang huling Miss Universe ng Pilipinas ay si Catriona Gray noong 2018.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Samantala, kung pag-uusapan naman ang haba ng taon bilang Miss U, ito ay si Miss Universe Zozibini Tunzi ng South Africa na nagwagi noong 2019.

Dahil sa Covid-19 noong 2020 ay pansamantalang natigil ang pageant. Ipinasa niya ang korona kay Andrea Meza ng Mexico noong 2021. Si Andrea naman ang may pinakamaikling reigning moment matapos ipasa kaagad kay Sandhu ang korona bilang kaniyang successor.