Sa isang advisory ng Professional Regulation Commission (PRC) kamakailan, ipinahayag nitong sa Oktubre 2, Linggo, na matutuloy ang Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) na nakatakda sana ngayong buwan ng Setyembre.

Sa darating sanang Setyembre 25, Linggo, ang unang iskedyul ng eksaminasyon hanggang sa baguhin ng komisyon sa isang anunsyo nitong Huwebes.

Wala namang nabanggit na dahilan ang PRC para sa naturang pag-usad ng iskedyul.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Marami namang exam takers ang abot-abot ang pasasalamat sa komisyon dahil sa extension na rin ng kanilang pagrerebyu.

Para sa iba pang katanungan, mangyari magpadala ng mensahe sa Licensure Office sa pamamagitan ng [email protected].

Ngayong buwan ng Setyembre, ipinagdiriwang din ang Teachers’ Month.