Itinigil na ng Departmentof Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtanggap ng online application ng mahihirap na estudyante para sa educational assistance program nito dahil sa rin limitadong pondo.

“Closed na itong (online application ng) educational assistance,” banggit ni DSWD Secretary Erwin Tulfo nang kapanayamin sa telebisyon nitong Sabado.

Ikinatwiran ni Tulfo ang mahigit sa dalawang milyong estudyanteng nakarehistro online para sa programa.

“Kaya 'di na namin makakaya o kakayanin pa dagdagan ‘yung two million.Ang tinitignan natin ay ‘yung pondo natin₱1.5 billion,”anangkalihim.

Sa ngayon aniya, nasa₱800 milyon na umano ang naipamahagi nilang educational assistance.

Dalawang Sabado na lang aniya ang huling pamamahagi ng cash assistance kung saan saklaw nito ang mahigit sa dalawang milyong estudyante.

"Hanggang September 24, 2022 na lang ang pamamahagi namin ng educational assistance,” sabi pa nito.

Aniya, ang mga benepisyaryong estudyante sa elementarya ay makatatanggap ng₱1,000,₱2,000 naman para sa high school students,₱3,000 para sa senior high school students at₱4,000 para sa tertiary students.