Magpapatupad na naman ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa susunod na linggo, ayon sa pahayag ngDepartment of Energy (DOE) nitong Sabado.
Inaasahang babawasan ng ₱0.64 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang ₱1.52 naman ang ibababa sa bawat litro ng diesel ng mga kumpanya ng langis sa bansa.
Nasa ₱1.93 naman ang itatapyas sa kada litro ng kerosene.
Sa kanyang pahayag, idinahilan ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang presyo ng kalakalan ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Sa pahayag naman ng Unioil Petroleum Phils., magpapairal sila ng ₱1.20 hanggang ₱1.40 na bawas presyo sa bawat litro ng diesel at ibaba rin nila sa ₱0.40 hanggang ₱0.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Nagpatupad din malakihang bawas-presyo ang ilang kumpanya ng langis nitong Setyembre 6.