QUEZON -- Nasa P1.4 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa isang high-value individual nang magsagawa ang pinagkasanib na mga operatiba ng pulisya ng drug buy-bust sa University Site, Barangay Ibabang Dupay nitong Sabado ng madaling araw, sa Lucena City.

Ang suspek na si Patricio Martin, alyas Nonoy, 49, residente ng Purok Happy Valley, barangay Ibabang Dupay, Lucena City ay miyembro ng Leonora Drug group, ayon kay Police Col. Ledon Monte, Quezon Police Provincial director.

Target ng pinagsanib na operatiba ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Philippine Drug Enforcement Agency -4A, at Lucena City Drug Enforcement Unit ang suspek sa pamamagitan ng buy-bust operation base sa nakalap na impormasyon ng mga awtoridad alas-12:23 ng madaling araw, ayon pa kay Monte.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang 14 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 73 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,489,200.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kasong kriminal ng paglabag sa seksyon 5 at 11 ng Artikulo 11 ng R.A. 9165 ang isasampa sa korte laban sa suspek na nasa kustodiya ngayon ng pasilidad ng Lucena City PNP.