Niregaluhan ng social media personality na si Whamos Cruz ng bagong tsikot ang kanyang partner na si Antonette Gail del Rosario para sa kanilang 14th monthsary.

Flinex ito ni Antonette sa isang Facebook post kamakailan.

"Thank you so much mahal ko, Happy 14th months of love. Thank you sa NEW CAR! Mahal na Mahal ko kayo ni BABY METEOR," aniya.

"Salamat din po sa lahat ng sumusuporta samin, Mahal namin kayo!

Metro

Libreng sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 ikakasa mula Abril 30-Mayo 3

"Madami pa tayo pagdadaanan mahal, sabay nating abutin mga achievements natin na kasama si baby meteor. more power & grind lang tayo mahal," dagdag pa niya.

Noong Hunyo, masaya nilang ibinahagi na magkakaroon na sila ng baby. Anila, matagal daw nilang pinag-isipan ito.

“Sa totoo lang kasi, actually pinag-isipan namin nang matagal ‘to, hindi lang namin basta ginawa ‘to. Pinag-isipan namin nang maigi,” sey ni Whamos.

“May dumating nanamang blessing sa amin. Sa lahat ng blessing na dumating sa amin ito yung pinakamagandang blessing para sa amin. Magkakababy na kami guys,” dagdag pa niya.

Naiiyak sa tuwa ang mag-jowa dahil sa baby na paparating. Gayunman, alam ni Whamos na may mga magsasabi ng negatibo tungkol sa kanila.

“Syempre sa lahat ng mambabash dyan panigurado ‘yan. Ibabash n’yo kami pero ito lang ang sasabihin namin sa inyo. Go lang, i-bash n’yo lang kami basta wala kaming pakialam sa inyo kasi una sa lahat hindi kayo ang gagastos dito kungdi kami. So go lang, i-push n’yo lang. I-bash niyo lang kami nang i-bash basta alam namin kung ano po yung tama at mali,” aniya.

“Syempre bago muna namin ito [magkababy] pinag-isipan, sinigurado muna namin at sinecure muna namin yung buhay namin kung ano yung magiging meron talaga kami bago kami magkababy para hindi na mahirapan si baby, hindi niya rin maranasan yung hirap ng buhay na ginagawa ko dati noon,” dagdag pa niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/21/whamos-cruz-at-antonette-gail-magkakababy-na-pinag-isipan-namin-nang-matagal-ito/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/21/whamos-cruz-at-antonette-gail-magkakababy-na-pinag-isipan-namin-nang-matagal-ito/

Unang nakilala si Whamos nang sumali siya sa reality singing competition ng ABS-CBN na “Idol Philippines” noong 2019. Hindi man siya pinalad na manalo, pero wagi naman siya sa puso ni Antonette Gail noong nakaraang taon.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/08/31/idol-philippines-contender-at-tiktok-idol-whamos-cruz-natagpuan-ang-true-love/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/08/31/idol-philippines-contender-at-tiktok-idol-whamos-cruz-natagpuan-ang-true-love/